Tuesday, May 30, 2006

May isang tao, feeling nya lahat ng nangyayari sa buhay nya, concepts lang for a good story. E ayaw na nya yung ganon, well hindi naman sa ayaw. Alam naman nya na kailangang mangyari ang lahat ng yon, pero nasasaktan talaga siya, kasi yung kaligayahan na nararanasan niya ngayon ay hindi niya pwedeng ariin habang buhay. Alam niya na ang sitwasyon na ito ay hindi talaga para sa kanya, sabi nga nya good concepts for a story, pero pano naman siya, wala ng natira sa reality niya. Kaya nalulungkot talaga siya, at umiiyak sa sobrang sakit at panghihinayang, ang isa pa don, yung unang taong inaakala nyang magpapasaya sa kanya, hindi yun yung dumating, iba yung dumating, pero okay na rin daw, atleast napasaya siya kahit konti, tsaka yung unang taong ini expect niya, yung talagang makapagpapaalis ng lungkot niya, dumating na rin naman eventually.

Pero bilib talage ko sa taong na to, grabe ang powers niya, talagang nag effort siya para mapasaya yung taong inexpect niyang unang mag rescue sa kanya, mahirap daw ang ganon sabi niya, mahirap magpangiti ng iba habang ikaw ay lumuluha, mahirap ihold ang iba habang ikaw ay wala ng kakapitan, mahirap mangako sa iba na hindi hindi mo siya iiwan kung ikaw mismo ay nag iisa. Hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas para gawin lahat ng bagay na iyon, siya nga rin hindi rin niya masabi eh, well siguro nga kasi sobrang mahal niya yung tao, kaya lahat kinakaya niya basta't para sa kanya.

Bakit kaya niya ginawa iyon para dun sa mahal niya, bakit kaya ayos lang sa kanya ang masaktan siya ng ganon? Simple lang ang sagot niya sa akin. Dahil dati daw, tuwing gabi, kapag madilim na, parati siyang lumuluha sa mga bagay na nangyayari sa kanya na kailanman ay hindi nya matatanggap. Doon sa dilim, kung saan walang makakakita, doon niya iniluluha ang kanyang mga hinaing na walang nakaririnig. Ngunit ng dumating daw siya sa buhay niya, nakalimutan daw niya ang lahat ng iyon, matagal tagal na rin siyang hindi lumuluha sa gabi. Pero tinanong ko siya, hindi ba't kagabi lang ay lumuha siya? Ang sagot niya ay oo, umiyak ako kagabi ng dahil sa kanya, pero ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko na lumuha ako dahil sa lubos na pagmamahal, at kung mapait na luha man ang kapalit ng kaligayahang hindi maaaring magin kanya habang buhay ay kakayanin niya.

"Gusto ko ng mapanaginipan na magkasama kaming dalawa at masaya, dahil sa panaginip ko lang maaaring ituring na akin ang kaligayahang ito, kahit sa panaginip man lang, gusto kong magtira ng para sa sarili ko" yun ang sagot niya saki ng tanungin ko siya kung anong maihihiling niya, yon at ang "wag niya kong iwan kailanman."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home