Sunday, September 24, 2006

9/24/2006

Maraming kwento ang buhay...minsan malungkot, minsan masaya. Mahirap kung nagsisilbi ka lang na manunulat sa kwento ng buhay mo. Malungkot kung parati na lamang ikaw ang manunulat ng mga masasayang pangyayari, ng kaligayahan. Tila ba wala kang karapatang angkinin ang sarili mong kaligayahan dahil ito ay para sa kwento, para sa mambabasa. Dahil ang mga kwento ay hindi para sa may akda kundi para sa mambabasa. Unfair yun, unfair sa manunulat na nagdudusa.

Eto tanaga:

Sa Simbahan

Sa loob ng simbahan
Nando'n ang kaligtasan
Kapag lumabas naman
May pilay sa hagdanan

Inspired ang tanaga na yan ng isang Chapter sa Noli Me Tangere. Yung chapter tungkol sa simbahan tapos may leper dun sa hagdanan. Dapat kasi nang leper ang sinadala sa simbahan, hindi dapa tna nasa labas lang siya, dapat siyang tulungan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home