Saturday, June 17, 2006


ADELFAN AT HEART

miss ko na ang adelfa, kahit anong mangyari wala talagang tatalo sa adelfa sa puso ko. ito ang section na tinatanggap ka kung sino ka at komportable kang kasama kahit sino, lalake man o babae. lahat kami jologs, kahit yung hindi jologs nakikiride. iisa ang expression namin "hitad"(jed miss na din kita). lahat kami kapuso, mula darna, encantadia, sugo, etheria, enca ulit, kss at jewel in the palace, sinubaybayan namin ng sama sama. si jang geum, ang mga sang'gre, si kim sam, mga kaklase din namin yon. umiyak din kami ng matalo kami sa fashion show noon(kasi naman eh).

mga adelfa sci galit sa mga _____ sci, eh sila din naman galit samin lalo na si palaka(di namin sinasadya na yun ang translation ng name niya sa enchanta, pero aliw na rin). ewan ko kung ano ang isyu sa mga tech. may teacher din kami sa art, haha, at ang mahal na mahal namin ay ang teacher namin sa pinoy na si mama edulan. si sir mardan na mabait, si sir martin na naghost ng aming outing(laki ng bahay nila), si maam dacs, si maam guilo na hilig gayahin ni edi at nagbigay ng sosyal na pronouncation ng "adelfa", si sir monti na jitp adik din(di ko makakalimutan ang chem presentation namin), si sir petri na hanep mag corny joke, si maam doplon na hanep din mag corny joke, english nga lang, si maam sarmago na nanay namin, haha lahat sila, bahagi narin ng adelfa.

higit sa lahat mga kaklase ko, namimiss ko talaga kaayo, nalulungkot talaga ko nagkahiwahiwalay na tayo, eniweiz, kita na lang tayo pag break na, or UB, or vacant.

basta adelfa lang ako.

alabsho all.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home