Saturday, August 12, 2006

Pano ko ba masasabi sayong I hate you so much ng hindi mababasag ang puso mo? Bakit ba ayokong naririnig na umiiyak ka kahit na galit na galit ako sayo. Naiinis ako sayo, ano ba tong ginagawa mo sakin, nalilito ako sa nararamdaman ko. Gusto kitang awayin, pero hindi ko naman kayang makitang nasasaktan. Bwiset talaga!! Kung hindi ka dumating sa buhay ko hindi ako magkakaganto e, nak ng tokwa, hmmppp!!!!!!!!! Bwiset, napakainsensitive mo, nakakaasar ka talaga.

Pero bakit ba ganyan, hindi ko naman masabi sayo ito ng diretso dahil masasaktan kita? Teka, bakit nga ba ayokong masaktan ka?, napipilitan tuloy akong ikimkim itong galit. Kung hindi ka dumating sa buhay ko, natutulog na sana ako ngayon, hindi ako naiinis, hindi sumasama ang loob ko, pero kung hindi ka dumating sa buhay ko bwiset ka, hindi ako sasaya ng ganito. Iba ka kasi bestfriend e. Parang pagkakamot ng paa, ang sakit sakit naman pero ang sarap sarap pa rin, kahit magkandasugat sugat na ang paa ko sa kakakamot.

P.S. Mahal na mahal ko ang paa ko, kahit nasasaktan ako.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home