Sunday, October 15, 2006

Ang feeling ng mawala sa akin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay parang namatayan. Irreversible kasi. Gusto ko man siyang ipaglaban, anong magagawa ko kung Diyos mismo ang kalaban ko. Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin siya habang buhay sa paraan na natutuhan ko, napakasakit isipin na pati ito ay hihindi ko maaaring gawin. Napakasakit ding isipin na na hindi pala pag ibig iyon. Parang nagtratraydor ang pagkakataon. Napakadaming pwedeng kunin sa akin, bakit iyon pa? Ikaw ang pinakamagndang nangyari sa buhay ko, we are the perfect match, sumablay lang ng konti.Isa lang ang alam ko, hindi ko na kayang magmahal pa muli. You are worth the wait, at hindi lang basta paghihintay. Hihintayin kita ng isang buong buhay, at kahit pa sa mga susunod kong buhay. Hahanapin kita hanggang sa matagpuan kitang muli, hanggan sa maging tama na ang lahat, hanggang sa wala ng pagkakamali. Nobody can live me the way you did, and nobody can make you happy the way I can.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home