Saturday, October 28, 2006


GO VICTORIAN!!!!

grabe ang gagaling nyo talaga.parang thursday night nawawalan na ako ng pagasa na ma pull off namin toh, pano ba naman, kinamay namin ang mga damit na yan, manual yan...utang na loob...hay salamat sa runway di ko makikilala kung gano kabait si Maam R at si Alfer..hay awang awa ako kay maam R, yung belt na suot nya, 2 inches smaller than her waist line, pinilit ko lang na magkasya...hay pero ang bait nya talaga, pati si Alfer...hayy...di namin alam kung pano namin nagawa ni ada yung skirt ni maam, di ko alam kung pano ako nakapanahi eh wala talaga akong alam dun...30 mins before the show nagaalala pa ko sa kung sino magaayos sa mga models...wala pang make-up si maam...tas pagsilip ko sa cr aun si maam nag aayos...keri naman pala eh...tas xa na rin nag ayos sa lahat ng models at ang galing nila ni tricia mag adlib!!! at eto pa astig, nanalo si alfer sa pagtayo nya, haha, tumayo pa lang yun ha..

sa totoo lang, bonus na lang na matawag ang pangalan namin sa best collection...dahil para sa akin panalo na kami...hindi kami nandaya...na pull-off talaga namin...at ang ganda talaga ng mga damit namin...ako sa sarili ko hindi ko parin maicp kung pano ko nagawa yun...ang pinakamalaking kalaban na tinalo namin ay ang mga sarili namin..astig pa pagdating ni maam samala sa dorm, pagkakita niya sa mga damit namin, sabi nya 'sure win na kayo'. at totoo naman e, bonus na lang ang matawag ang pangalan namin...mahalaga hinsi namin pinahiya ang mga models...at pati sa presentation naaus namin...at hindi kami nandaya...at nag kaisa kami, masaya pa, kahit yung hindi kasama sa team victorian tumutulong din.

laki talaga ng pagpapasalamat ko sa mga models, di ko alam kung pano ko kau pasasalamatan.

ngaun ko lang naramdaman sa buhay ko na kahit hindi kami nanalo ay sobrang saya ko pa din...

Sunday, October 22, 2006

hindi ako nananakit ng tao, well atleast not physically, hello bakit ko naman gagawin yun? kung may nasaktan ako physically di ko yun sinasadya. at sana wag din akong pagiisipan ng masama ng mga tao, lalo na yung mga taong di ko inaasahan mag iisip ng ganun sa akin.

at wag din kayong matakot lumapit sa akin dahil hindi ako nangangagat, hello kamusta naman ang malisya nyo.

at isa pa, sa mga hindi sumama sa sm nung friday, okay na din yun kasi di ka na talaga kasya kung may isa pang sasama. sikip sikip na namin eh.

tsaka malayo ang pagkakaiba ng kinikiliti sa pinapatay.

at walang nagpipilit na sumama sa pj, hindi nyo kelangan hintayin pa matapos yun para makaalis na ha, madami namang gumagawa eh kaya i guess okay lang yun.

hindi naman kasi sapilitan ang pagsali sa pj, ang ano lang eh, commitment yan.

Sunday, October 15, 2006

Ang feeling ng mawala sa akin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay parang namatayan. Irreversible kasi. Gusto ko man siyang ipaglaban, anong magagawa ko kung Diyos mismo ang kalaban ko. Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin siya habang buhay sa paraan na natutuhan ko, napakasakit isipin na pati ito ay hihindi ko maaaring gawin. Napakasakit ding isipin na na hindi pala pag ibig iyon. Parang nagtratraydor ang pagkakataon. Napakadaming pwedeng kunin sa akin, bakit iyon pa? Ikaw ang pinakamagndang nangyari sa buhay ko, we are the perfect match, sumablay lang ng konti.Isa lang ang alam ko, hindi ko na kayang magmahal pa muli. You are worth the wait, at hindi lang basta paghihintay. Hihintayin kita ng isang buong buhay, at kahit pa sa mga susunod kong buhay. Hahanapin kita hanggang sa matagpuan kitang muli, hanggan sa maging tama na ang lahat, hanggang sa wala ng pagkakamali. Nobody can live me the way you did, and nobody can make you happy the way I can.